Chung King Fai | : | Gusto kong mag-subscribe sa serbisyong ito ng telepono. |
---|---|---|
Sheren Tang | : | Kapag pumili ka ng isang serbisyong telecoms, may ilang mga puntos na dapat mong tandaan. Huwag mong hayaang pumasok ang mga iyon sa isang tainga at pagkatapos ay lalabas naman sa kabilang tainga. Ang serbisyong pinili mo ay dapat na umangkop sa sarili mong mga pangangailangan. Kung hindi mo naiintindihan ang sistema ng pag-charge at ang mga termino ng serbisyo, kailangang suriin mo itong mabuti. Huwag pipirma sa kontrata dahil lamang may mga disk'wento o regalo. Maraming mga mapapagpiliang mga serbisyo, kaya't maglaan ng sapat na panahon para makapagtingin-tingin muna. Ang pinakamahalaga sa lahat, huwag pipirma ng kontrata hangga't hindi malinaw sa iyo ang tungkol sa lahat ng mga detalye ng kontrata. |
Super | : | Intindihin ang mga Inihahandog na Serbisyo ng Iba't-ibang mga Serbisyong Telecoms Bago Ka Pumirma sa Mga Kontrata ng Serbisyo |