Middle-aged na Babae | : | Honey, naipadala ko na sa iyo ang pera! Kailan tayo magkikita? |
---|---|---|
Middle-aged na Lalaki | : | Babayaran ko ang piyansa. Huwag ninyo akong arestuhin! |
Young na Lalaki | : | Mabilis na kikita ang puhunan? Sige itotodo ko ang lahat dito! |
Manager ng Tindahan | : | Kailangang gisingin ko na sila. Mahal kita. Ibigay mo sa akin ang pera mo! Isa akong tagapagpatupad ng batas. Bayaran mo ang piyansa mo! Pumusta ka sa mabilis kumitang produkto na ito! |
Middle-aged na Babae, Middle-aged na Lalaki, Young na Lalaki | : | Sino ang magtitiwala sa iyo? |
Manager ng Tindahan | : | Mismo! Sumagot ka na ng “hindi” kapag may totoong tao na lalapit sa iyo, kaya bakit ka magtitiwala sa isang tumatawag sa telepono? Ikinokonekta tayo ng Telecom network, pero magagamit din yan ng mga scammer o manloloko para lokohin ka. |
Superscript | : | Kahina-hinalang tawag , Pinaghihinalaang manlolokong numero, Abnormal na uri ng tawag |
Manager ng Tindahan | : | Bagaman ang Awtoridad sa Komunikasyon ay gumawa na ng mga hakbang upang malabanan ang panloloko, palaging may mga bagong panlilinlang ang mga manloloko. |
Middle-aged na Lalaki | : | Ano ngayon ang gagawin natin? Huwag sumagot ng mga tawag kahit kailan? |
Manager ng Tindahan | : | Gumamit ng serbisyong nagsasala ng mga tawag na ibinibigay ng mga tagapagbigay ng serbisyong telecom o tumawag sa mga app na nagsasala ng tawag na nasa merkado na upang mabawasan ang mga panloloko o mga istorbong tawag. |
Middle-aged na Babae | : | Tumawag ulit. Ano ang gagawin ko? |
Manager ng | : | Palaging manatiling mapagbantay. |
Tindahan | : | Huwag ibubunyag ang personal na impormasyon sa isang hindi kakilala o basta na lamang magpapadala ng pera. |
Superscript | : | Manatiling Alerto at Mag-ingat sa Manloloko sa Telepono |